Saturday, November 10, 2007
Back to School!...para magpa-clearance!
Kanina ay bumalik ako sa school upang magpa-clearance. Kamusta naman kasi, anong buwan na ay hindi pa ako cleared at hindi ko opa nakukuha ang matamis kong diploma (?, although hindi talaga nga naman matamis yun).
Pero hindi lamang un ang aking nagawa. Ba naman, hinahanap ko si Sir Artin (thesis adviser namin) para magpapirma. At ayun nga, natagpuan ko naman sa gitna ng klase. Magpapapirma lang pero ano nangyari? Naging special guest pa ako at nakapagsharing ng wala sa oras.
Sa una, hiya muna, pero dahil mga 3rd year broadjourn naman sila, so kilala ko na naman ang ilan sa kanila. Saka ka-course ko naman kaya okay lang. At ayun! Napasarap kwento naman ako.
Tsaka, okay lang naman din sa akin un, kasi gusto ko rin mag share sa kanila, hindi talaga ng hinanakit, ngunit ang sarap ng naranasan ko sa paggawa ng thesis noon.
Na dapat hindi sila matakot, bagkus harapin nila ito at paghirapan, dahil iyon ay hindi naman makasasama sa kanila ngunit ikapagpapaunlad pa ng sariling kapasidad.
Pinalipas namin ang isa't kalahating oras sa ganung sharing. Bida-bidahan naman ako kahit saglit.XD
**********
Pero ang masaya? Yehey! Nakapagpaclear na ako! Pede ko nang makuha ang aking diploma sa Nov 20. :D
Posted at 11/10/2007 12:44:37 am by kulturangewan