Thursday, November 22, 2007
Iniidolo ko talaga si Rene Villanueva sa larangan ng pagsusulat. Sobrang nadarama ko ang mga isinulat niyang librong patungkol sa buhay niya--ang Personal (unang libro) at [Im]Personal (ikalawang libro).
Nadama ko kasi parang napagdaanan ko yung ilan sa mga nasabi niyang mga karanasan niya, pero kumpara sa bigat, mas mabigat yung sa kanya. NAkakatuwa dahil ang mga pinagdaanan niya ay talagang sumasalamin sa kung ano ang buhay ng tipikal na Pilipino. Kung ano ang hirap ng buhay na madalas kinakapos, sa pinansyal na aspeto man o sa iba pang bagay.
Madaming mga manunulat ang nakagagawa ng mga katha ukol sa kahirapan, pero yun ay galing sa kanilang isipan, hindi katulad ng kay Rene Villanueva, na talagang talambuhay niya.
Kaya nga naman talagang panatiko ako ng dalawa niyang libro. Mas gusto ko pa siya kay Bob Ong (na tingin ko eh pen name lang talaga, maaaring grupo kaya "si Bob Ong"?). Magtanong-tanong ka sa kung kani-kanino kung sino ang paborito nilang manunulat na Pilipino, malamang lamang na Bob Ong ang isasagot nila (na may porsyento diyan na kilala lang siya sa pangalan at nakikisama lang, ayaw mapahiya na hindi talaga sila nagbabasa). Pero ako, Rene Villanueva ang idol ko!
Para magkaideya kayo kung sino si Rene Villanueva, maaari ninyong basahin ang kanyang blog na Personal.
Posted at 11/22/2007 3:32:06 pm by kulturangewan