Ako si Dustin, isang lalaking panget, pandak na 5'3, bobo, negro at walang appeal. Kaya ako naglagay ng ganito sa blog para malaman nio na at wag nang magexpect. At nasabi ko na bang bobo ako? 20 taong gulang at nagbebenta ng bahay sa Laguna at Cavite.
   

<< December 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01
02 03 04 05 06 07 08
09 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31

OTHER WEBLOGS

Jacqueline Yabut
Keo Paolo Saulog
George-Edward Putong
Camille Jasmin Topacio
Manilyn Valdezco
Mia Bodestyne
Mia Bodestyne : TWO
Jecoup Asombrado
Abbie Almasco
Arjay Navarro
Mike Popo


And here are links for really good writers... I mean, ones that has really made more than the usual, writers who has come up with masterpieces that are worth to be included in the halls of... Ah... Yes, they are good!XD
Rene Villanueva


and if you happen to have a Friendster account, simply drop me a line there or add me up:
Dustin
Dustin-Tu

and if you have a multiply account, here's link to mine.
Kulturang Ewan on Multiply!

And kindly also check these other persons in Multiply!

Jacqueline Yabut
Keo Paolo Saulog
Mark Angelo Eblamo
Mary Ailette Ogot
Allan Mitz Arato
Mr. Artin Umali
Bernadette Batiller
Francis Dominic Capua
Aimee Cyra Caparros
Jacqueline Yabut's second Multiply



Now if you are an art enthusiast, you can catch sample of my "art" (still confused if it is art, hehe XD), you can visit this site:
Kulturang Ewan at DA



And some interesting links that I am interested too (that is kung magugustuhan ninyo din, sharing lang naman). Clue, most of them are artists, whether graphic or traditional or whatever medium. Bottomline is they are very cool! 0_0
Jonas Diego
Arnold Arre
Carlo Vergara
Edgar Tadeo
Leinil Yu
Whilce Portacio
LostAtEMinor
Eddie Vasquez
Adhemas Batista
Joshua Smith
Joshua Davis
Christian San Jose
Nigel Evans
27+20 : Nico and Katwo Puertollano
Drew Europeo



"Imagination is the only limitation!"

Enhanced with Snapshots


www.flickr.com
kulturangewan's photos More of kulturangewan's photos

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Tuesday, November 27, 2007
Heraldo Filipino Team XXII




(From left to right : Raisa Sindingan - Art Editor, Weizel Gulfan - Features Editor, Jheerick - Office and Circulations Manager, Mark Maestro *natakpan* - Photo Coordinator, Ruzelle Rodriguez - Managing Director, Jecoup Asombrado - Editor-in-Chief, Renan Barco - Graphics Coordinator, Grace Gonzales - Literary Editor, Hanna Salta - Assistant Editor, Patricia Cruz *natakpan ng sobra* - News Editor, and Travis Chiong - Sports Editor)


Ipinakikilala, ang Heraldo Filipino Team XXII Editorial Board. Ilan sa mga pinakamasipag (actually, lahat naman ng naging EB eh masipag).
Ipinagmamalaki ko yang mga taong yan, magagaling, at mga mabuting kaibigan (nga ba? juk XD)


Posted at 11/27/2007 9:54:55 am by kulturangewan
Mga Nalito (2)  

Jacque's Grad Pic

Actually nung Sabao pa nangyari ito. Hmmm... Kasi ang gusto ni Jacque, kasama ako sa grad pic nia, kaya ako naman, sobrang natuwa kasi siyempre, grad pic nia yun eh. Concept pic nia yun, na remembrance ng College days niya. At natuwa ako kasi nga, ginusto niang andun ako.
Hmmm... Usapan ay 9am, kaso dahil mejo may inasikaso pa ako sa bahay at ihinatid ko pa ang pamangkin ko sa bahay ng isa ko pang ate, nalate ako ng konti. 9:45 ako dumating... Hmmm...


Wag namang ganyan. Ang brutal naman. Sorry kung mejo late, valid naman reason ko di ba? :s



Hmmmm... I know. We do look good together. :D

And aside sa pagpunta ko dun dahil sa grad pic nia, may isa pa akong pakay... ang aking DIPLOMA!






Posted at 11/27/2007 9:47:21 am by kulturangewan
Mga Nalito (2)  

Monday, November 26, 2007
Desktop Screenshot Tagging!



Actually, wala namang nag tag sa akin para gumawa nito, pero nakita ko kasi ito sa ibang sites. Nakyutan ako so un, ginaya ko. Pasimuno ika nga. XD
Ang gagawin lamang ay ipakita yung itsura ng desktop nio. Wala lang, pakitaan lang, di ko pa nakikita desktop nio eh. Wala akong PC kaya ang ginamit ko eh yung kay Jacque na laptop. Kaya ayun, pakita nio lang kung ano itsura ng desktop nio. Hehe. :D

Tagging : Ayeen, Mia, Keo, Kuya George, Jacque (hmmm... eh laptop mo gamit ko eh...?), Magne or Zelle, Mark Eblamo, Ailette, Renan, and Glenn.

Posted at 11/26/2007 9:33:58 am by kulturangewan
Confused?  

Thursday, November 22, 2007
Personal na Pampubliko

Iniidolo ko talaga si Rene Villanueva sa larangan ng pagsusulat. Sobrang nadarama ko ang mga isinulat niyang librong patungkol sa buhay niya--ang Personal (unang libro) at [Im]Personal (ikalawang libro).

Nadama ko kasi parang napagdaanan ko yung ilan sa mga nasabi niyang mga karanasan niya, pero kumpara sa bigat, mas mabigat yung sa kanya. NAkakatuwa dahil ang mga pinagdaanan niya ay talagang sumasalamin sa kung ano ang buhay ng tipikal na Pilipino. Kung ano ang hirap ng buhay na madalas kinakapos, sa pinansyal na aspeto man o sa iba pang bagay.

Madaming mga manunulat ang nakagagawa ng mga katha ukol sa kahirapan, pero yun ay galing sa kanilang isipan, hindi katulad ng kay Rene Villanueva, na talagang talambuhay niya.

Kaya nga naman talagang panatiko ako ng dalawa niyang libro. Mas gusto ko pa siya kay Bob Ong (na tingin ko eh pen name lang talaga, maaaring grupo kaya "si Bob Ong"?). Magtanong-tanong ka sa kung kani-kanino kung sino ang paborito nilang manunulat na Pilipino, malamang lamang na Bob Ong ang isasagot nila (na may porsyento diyan na kilala lang siya sa pangalan at nakikisama lang, ayaw mapahiya na hindi talaga sila nagbabasa). Pero ako, Rene Villanueva ang idol ko!

Para magkaideya kayo kung sino si Rene Villanueva, maaari ninyong basahin ang kanyang blog na
Personal.

Posted at 11/22/2007 3:32:06 pm by kulturangewan
Confused?  

Tuesday, November 20, 2007
Kamandag : Sana hindi lang mahinang lason

I have always tagged GMA7 bilang napakagaling... sa advertisements. Pano ba naman, ang gaganda ng mga teasers ng shows nila na pang primetime, simula nung Mulawin, mapuntang Encantadia, Atlantis, Darna, at kung anu-ano pang mga teleseryeng ipinroduce nila. Tapos pag nanood na ako, nasisira ang expectation na isineset nga ng magandang ad nila. Although nagustuhan ko naman ang Mulawin at Encantadia, despite of the mejo "kakaibang" graphics nito, yung mga sumunod eh parang... *silence*

Anyway, dumako tayo sa Kamandag, ang latest na fantaserye ng GMA7 na ibinibida si Richard Gutierrez (siya na naman), at sa mga teasers nila eh nasabi ko nalang na "Hay, ayan na naman, magandang teaser tapos panget yung show..."

So, kagabi, pinanood ko ang Kamandag, kasi pilot episode niya.

Masasabi ko... ABA MAGANDA ANG COSTUMES!!! :D

Yun lang. Costumes na naman ang nagustuhan ko. Hmmm. Acting? Maganda din ang acting, lalo na nila Johnny Delgado at Gardo Versoza (na sa kasamaang palad eh patay agad although siya ang pinakagusto ko ang costume)
Sana, tuloy-tuloy na maganda nga ito.

Posted at 11/20/2007 1:06:05 pm by kulturangewan
Confused?  

Monday, November 19, 2007
A NEW VIRUS!!!

There is a dangerous virus being passed around electronically, orally, and by hand. This virus is called Weary-Overload- Recreational- Killer (WORK). If you receive WORK from any of your colleagues, your boss, or anyone else via any means... DO NOT TOUCH IT. This virus will wipe out your private life completely. If you should come into contact with WORK, put your jacket on and take two good friends to the nearest grocery store. Purchase the antidote known as Work-Isolating- Neutralizer- Extract (WINE) or Bothersome-Employer -Elimination- Rebooter (BEER). Take the antidote repeatedly until WORK has been completely eliminated from your system.

*********

For other news,  happy birthday Glenn. Haha! :D


Posted at 11/19/2007 4:34:01 pm by kulturangewan
Confused?  

Friday, November 16, 2007
Vote for your NBA All-Stars 2008!



Sobrang naaliw ako nung nakita ko to sa NBA.com nung nagbabrowse ako. Aliw! In Filipino! Napasign up tuloy ako at napaboto. :D

Posted at 11/16/2007 10:23:19 am by kulturangewan
Confused?  

Thursday, November 15, 2007
Ang Pinakaayaw ko.

Ano ang pinakaayaw ko?

Hindi kaplastikan. Hindi kayabangan. Hindi kahangalan.

Ano?

Una, isang batang nanginginig sa lamig sa isang tabi. Basang-basa dahil sa malakas na ulan. Batang walang masilungan mula sa hagupit, hindi lamang ng ulan ngunit sa tadhana mismo.

At, ang pakiramdam na nakagapos ang aking mga kamay. 

Posted at 11/15/2007 2:43:52 pm by kulturangewan
Confused?  

Mind Bits (wow, umaariba!)

Kamusta naman ang lakas ng ulan dito sa Ortigas. Bago naman ako nakapasok sa office eh kamusta naman ang pagkabasa level ko. Hanggang tuhod o lampas ata ang basa sa pantalon ko. AT walang ibang butas ang sapatos ko kundi ang pinapasukan ng paa ko at yung sa mga sintas ngunit basang basa ang medyas ko.
Pagdating ko sa office, nagtanggal ako ng sapatos at medyas. Corporate attire pa man din ako, smart casual ika nga. Pero smart casual nga, may alipunga naman. Yakeez! (term ng mga pamangkin ko)

**********

Kagabi napag-usapan namin sa bus ng ate ko yung mga nababasa niya sa net. Isa dun ay ang walang kamatayang awayan ng mga fans ng mga artista. Shet, nag-aawayan sila na nagbabatuhan ng insulto pag naargabyado ang kanilang mga idolo. "Panget si Marian Rivera", "Aba, hindi marunong umarte si Angel Locsin"--yung mga tipong ganun.
Wala naman silang mapapala. At bottomlline, pareho silang maganda.:D

**********

Talagang super gusto ko ang Maskman, isang Super Sentai mula sa Japan. Sabi ko nga, kung tatanungin ako kung ano ang kakatawan sa childhood days ko eh "MASKMAN!" ang aking isasagot.

At ano ito?

Nung nag research ako kahapon tungkol sa Maskman, eh may nabasa akong isang article. Aba, na gagawa daw ang ABS CBN ng remake ng Maskman (malamang ay pagsagot sa Zaido ng GMA7 *na-infairness ay panget, maganda lang talaga si Kris Bernal o Amy kaya ko pinapanood*), at si Gerald Anderson daw si Red Mask o si Michael Joe! KamustaAaAaAaA!

Posted at 11/15/2007 9:29:02 am by kulturangewan
Confused?  

Wednesday, November 14, 2007
"Sarili mo lamang ang bubuhayin mo..."

Hindi ako ganun kasaya sa trabaho ko bilang Property Consultant. Marahil na rin ay wala pa kasi akong mga clients. Walang masyadong interaction. Ang mga nakakausap ko lang ay mga head ko dito. Hindi ko din nagagawa yung mga hilig ko tlaga, yung related sa media. Ganun.

Dati, gustong gusto ko makapasok sa mga media giants para matikman what is like to be there talaga. Sabi ko, okay lang magsimula nang maliit, kasi nga naman walang nagsimula nang malaki agad. Depende kung ikaw ay swerteng ipinanganak sa isang marangyang pamilya, tapos mag-aaral ka para sa negosyo ninyo. Malaking responsibilidad pero at least may start ka na. Kumbaga, may puhunan agad.

Sabi ko talaga, "Great things start from small beginnings."

Eh sa katulad kong sapat lamang, mahirap nga din. Napag-usapan namin ng mga kaklase ko yung tungkol dito. At ngayon napapa-isip ako.

Andito ako ngayon sa trabaho ko, mejo maayos naman ang kinikita kesa nga naman sa ibang nasa media giants. Masaya naman sila na andun sila. Example, si Kuya George at Mark, asa Studio 23, masaya sila dun kasi asa media silam kung ano yung tinapos namin.

Hindi nga naman daw masama ang medyo malayo sa kurso, kasi depende naman yan sa magiging aksyon mo tungo dito.

Napag-usapan din kasi namin ito ng Mami ko. Na pano nga kaya kung andun ako sa mga networks na yon at ganun ang sweldo na sobrang sapat lamang. Sabi ni Mami, ayos lang na andun ako kasi yun nga yung tinapos ko, kaso "Sarili mo lamang ang bubuhayin mo..."

Nakonsensya ako. Yun din kasi talaga ang nasa isip ko bakit hindi ko talaga na binalak pumasok sa media nung umpisa pa lamang. Okay sana kung yung pamilya ko eh kayang-kaya na mamuhay na kahit wala akong tulong. Aba, kukunin ko talaga agad ang pagkakataon at mag-aaply ako, ngunit hindi eh.

Posted at 11/14/2007 1:26:33 pm by kulturangewan
Confused?  

Next Page