|
Kung hindi ba naman talaga malas at kalahati eh. Nagising naman ako ng tama sa oras, mejo late lang ng konti (mga ten minutes) mula sa normal kong oras, ang aking pagsakay sa Imus. So expected, tatrapikin (?) ako sa may Bacoor, idagdag mo pa na dahil Monday ngayon. Pero bago pa ako natrapik sa Bacoor, napatigil kami sa Imus, dahil nahuli ang sinasakyan kong jeep sa Imus, dahil sa pagsasakay sa maling lugar. So ayun nga, alas-siete y media na ay nasa Baccor pa lamang ako. Bad sign. Tapos ng trapik sa Bacoor, na kalimitang nagtatapos lang sa may Longos (sa may St. Dominic Medical Center), eh mali ako. Shet. Trapik mga 1 km bago mag toll gate at trapik makatapos ng toll gate. KAMUSHTA NEMEN! Okay, nakalampas na ako dun. Mga 8:20 ako nakarating sa MIA Road para sumakay na papuntang Megamall, kung saan ako bababa at maglalakad papuntang office. Malas uli. Napagkabagal ng bus na nasakyan ko at talaga nga naman kung kelan late ka na, aasarin ka pa ng pagkakataon. Nagsasakay ang bus na nasakyan ko sa Guadalupe at napakatagaaaaal nito. Kaya nga nung napansing antagal na nito ay pinapaalis na ito ng isang traffic enforcer. Sabi ko "Yehey! Aandar na!" Kaso... Shet antigas ata ng ulo nung driver at hindi umalis. Ewan ko ba kung anong meron at ayaw niang umalis. Shet, ayun hinuli yung bus. At antagal ng usapan ha. Hindi ko na kinaya. May budget ako para sa transpo pero buti nalang at may allowance ito na konti, at ayun, bumaba ako para sumakay ng ibang bus. Shet. Sayang din yung 8 pesos ha. |
| Leave a Comment: |