Entry: "Sarili mo lamang ang bubuhayin mo..." Wednesday, November 14, 2007



Hindi ako ganun kasaya sa trabaho ko bilang Property Consultant. Marahil na rin ay wala pa kasi akong mga clients. Walang masyadong interaction. Ang mga nakakausap ko lang ay mga head ko dito. Hindi ko din nagagawa yung mga hilig ko tlaga, yung related sa media. Ganun.

Dati, gustong gusto ko makapasok sa mga media giants para matikman what is like to be there talaga. Sabi ko, okay lang magsimula nang maliit, kasi nga naman walang nagsimula nang malaki agad. Depende kung ikaw ay swerteng ipinanganak sa isang marangyang pamilya, tapos mag-aaral ka para sa negosyo ninyo. Malaking responsibilidad pero at least may start ka na. Kumbaga, may puhunan agad.

Sabi ko talaga, "Great things start from small beginnings."

Eh sa katulad kong sapat lamang, mahirap nga din. Napag-usapan namin ng mga kaklase ko yung tungkol dito. At ngayon napapa-isip ako.

Andito ako ngayon sa trabaho ko, mejo maayos naman ang kinikita kesa nga naman sa ibang nasa media giants. Masaya naman sila na andun sila. Example, si Kuya George at Mark, asa Studio 23, masaya sila dun kasi asa media silam kung ano yung tinapos namin.

Hindi nga naman daw masama ang medyo malayo sa kurso, kasi depende naman yan sa magiging aksyon mo tungo dito.

Napag-usapan din kasi namin ito ng Mami ko. Na pano nga kaya kung andun ako sa mga networks na yon at ganun ang sweldo na sobrang sapat lamang. Sabi ni Mami, ayos lang na andun ako kasi yun nga yung tinapos ko, kaso "Sarili mo lamang ang bubuhayin mo..."

Nakonsensya ako. Yun din kasi talaga ang nasa isip ko bakit hindi ko talaga na binalak pumasok sa media nung umpisa pa lamang. Okay sana kung yung pamilya ko eh kayang-kaya na mamuhay na kahit wala akong tulong. Aba, kukunin ko talaga agad ang pagkakataon at mag-aaply ako, ngunit hindi eh.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments