Entry: Mind Bits (wow, umaariba!) Thursday, November 15, 2007



Kamusta naman ang lakas ng ulan dito sa Ortigas. Bago naman ako nakapasok sa office eh kamusta naman ang pagkabasa level ko. Hanggang tuhod o lampas ata ang basa sa pantalon ko. AT walang ibang butas ang sapatos ko kundi ang pinapasukan ng paa ko at yung sa mga sintas ngunit basang basa ang medyas ko.
Pagdating ko sa office, nagtanggal ako ng sapatos at medyas. Corporate attire pa man din ako, smart casual ika nga. Pero smart casual nga, may alipunga naman. Yakeez! (term ng mga pamangkin ko)

**********

Kagabi napag-usapan namin sa bus ng ate ko yung mga nababasa niya sa net. Isa dun ay ang walang kamatayang awayan ng mga fans ng mga artista. Shet, nag-aawayan sila na nagbabatuhan ng insulto pag naargabyado ang kanilang mga idolo. "Panget si Marian Rivera", "Aba, hindi marunong umarte si Angel Locsin"--yung mga tipong ganun.
Wala naman silang mapapala. At bottomlline, pareho silang maganda.:D

**********

Talagang super gusto ko ang Maskman, isang Super Sentai mula sa Japan. Sabi ko nga, kung tatanungin ako kung ano ang kakatawan sa childhood days ko eh "MASKMAN!" ang aking isasagot.

At ano ito?

Nung nag research ako kahapon tungkol sa Maskman, eh may nabasa akong isang article. Aba, na gagawa daw ang ABS CBN ng remake ng Maskman (malamang ay pagsagot sa Zaido ng GMA7 *na-infairness ay panget, maganda lang talaga si Kris Bernal o Amy kaya ko pinapanood*), at si Gerald Anderson daw si Red Mask o si Michael Joe! KamustaAaAaAaA!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments