Entry: Kamandag : Sana hindi lang mahinang lason Tuesday, November 20, 2007



I have always tagged GMA7 bilang napakagaling... sa advertisements. Pano ba naman, ang gaganda ng mga teasers ng shows nila na pang primetime, simula nung Mulawin, mapuntang Encantadia, Atlantis, Darna, at kung anu-ano pang mga teleseryeng ipinroduce nila. Tapos pag nanood na ako, nasisira ang expectation na isineset nga ng magandang ad nila. Although nagustuhan ko naman ang Mulawin at Encantadia, despite of the mejo "kakaibang" graphics nito, yung mga sumunod eh parang... *silence*

Anyway, dumako tayo sa Kamandag, ang latest na fantaserye ng GMA7 na ibinibida si Richard Gutierrez (siya na naman), at sa mga teasers nila eh nasabi ko nalang na "Hay, ayan na naman, magandang teaser tapos panget yung show..."

So, kagabi, pinanood ko ang Kamandag, kasi pilot episode niya.

Masasabi ko... ABA MAGANDA ANG COSTUMES!!! :D

Yun lang. Costumes na naman ang nagustuhan ko. Hmmm. Acting? Maganda din ang acting, lalo na nila Johnny Delgado at Gardo Versoza (na sa kasamaang palad eh patay agad although siya ang pinakagusto ko ang costume)
Sana, tuloy-tuloy na maganda nga ito.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments